[Call for Contributions] Kwentong Covid/Kwentong Obrero: Karanasan ng mga Manggagawa sa Pandemya
Inaanyayahan ang lahat ng manggagawa: manggagawa sa manupaktura, manggagawang pangkalusugan, guro, empleyado ng BPO, manggagawang agrikultural, kawani ng gobyerno, jeepney drayber, migrante, manggagawang pangkultura at iba pang nais magsulat ng kanilang karanasan ngayong pandemya para sa inihahandang koleksyon o e-book. Maaaring ipadala ang inyong mga lahok hanggang 18 Abril 2021.
Layunin ng koleksyong itampok ang mga karanasan ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang sektor ngayong pandemya at ibahagi ang naging epekto ng Covid-19 sa kanilang kalusugan, kabuhayan at karapatan.
Ang tentatibong pamagat ng magiging e-book ay “Kwentong Covid/Kwentong Obrero”
- Pumapaksa sa mga karanasan ng manggagawa ngayong pandemya, mga naging epekto ng Covid-19 sa kalusugan, kabuhayan at mga karapatan.
- Maaaring magkwento tungkol sa alinman sa mga sumusunod:
- Karanasan ng mga nagpositibo sa Covid-19
- Nawalan ng trabaho dahil sa pandemya
- Epekto ng pandemya sa pamilya (sa mga bata, kanilang pag-aaral, pag-unlad, mental health at iba pa)
- Mga panganib na sinuong sa mga lugar-paggawa dahil sa Covid-19
- Mga bagong karanasan, hilig, kaalamang nakuha at sinimulan nitong pandemya
- Mga naisip noong unang lockdown at paano nagbago sa pagtakbo ng pandemya
- At iba pang karanasan ngayong pandemya
- Bukod sa sanaysay, maaari ring magsulat sa iba pang porma tulad ng tula, maikling kwento, at dagli Kahit pormang mahabang post sa Facebook, maaari.
- Maaari lang makapagpadala ng isang akda ang bawat manggagawa.
- Ipadala ang inyong akda sa kwentongcovidsatrabaho@gmail.com. Isama sa Word document ang 1-2 talata na nagpapakilala sa manunulat.
- Tatanggap ng mga akda sa wikang Filipino, Taglish, English, o Bisaya. Ang mahalaga ay maisulat ang mga kwento.
- Tatanggap ng mga akda hanggang 18 Abril 2021.
PATNUGOT: Teo S. Marasigan
Ang proyektong ito ay pinapangunahan ng Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD).